Breast Cancer





This post is an excerpt from a Facebook post. Every time I see someone dying with cancer I gets paranoid even more. I am posting this to let others know as well as myself to be well informed about Breast Cancer. If you are reading my blog, my mom is diagnosed of Breast Cancer last January 2015. 

Liezl Martinez, asawa ni Albert Martinez at anak ni Amalia Fuentes, ay pumanaw na sa edad 47 dahil sa breast cancer. Nag-umpisa ang sakit ni Liezl sa breast cancer noong 2008. Kumalat ang cancer sa baga at naging Lung Cancer noong 2011. Nakikiramay kami sa kanyang pamilya. 

PLEASE SHARE para matuto ang lahat. - Doc Willie

IWAS BUKOL SA SUSO - Breast Cancer: ANG TAMANG PAGSUSURI NG SUSO by Dr. Willie T. Ong

Ang kanser sa suso ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa kababaihan. Dapat alamin ng bawat babae ang tamang pagsusuri ng kanilang suso. Nakasalalay po ang buhay ninyo dito. Sundin ang steps na ito:

1. Habang naliligo, itaas ang kanang braso. Gamitin ang dulo ng mga daliri ng kaliwang kamay para kapain ang iyong kanang suso. Ang hinahanap natin ay ang mga cyst or mabibilog na parang holen sa ilalim ng suso. Minsan ay kasing-liit lang ng isang monggo ang makakapa. Pagkatapos ay itaas naman ang kaliwang braso at ang kaliwang suso naman ang suriin. Kung may makapa na kaduda-dudang bukol, kumonsulta sa doktor.

2. Tumayo sa harap ng salamin at ilagay ang braso sa gilid ng katawan. Pagmasdan maigi ang bawat suso kung pareho ang laki at hugis nito. Masdan ang bandang utong at paligid nito (ang nipple at areola). Suriin kung may pamumula, pangungulubot o dili kaya’y tumutulo na likido dito. Ang mga ito’y maaaring masamang senyales. Pagkatapos ay itaas at ipuwesto naman ang dalawang kamay sa likod ng iyong ulo. Ulitin ang pagmamasid sa iyong suso.

3. Ngayon naman ay humiga sa isang patag na kama. Itaas ang kanang braso at ilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo. 

4. Gamitin ang kaliwang kamay para salatin ang kanang suso. Mula sa gilid ng suso ay gamitin ang mga daliri para diinan ng paikot-ikot ang suso. Magumpisa sa utong at unti-unting bumilog ng palaki ng palaki. Huwag kalimutan: kapain ang kili-kili. Kung may kanser sa suso, kalimitan ay may bukol din na makakapa sa kili-kili. Ito’y mga kulani (lymph nodes). Pagkatapos ay gawin naman sa kabilang suso.

Ang pagsusuri ng suso ay dapat gawin bawat buwan, kung puwede ay bago magregla at pagkatapos ng regla. Minsan kasi ay may mga parang bukol na nakakapa bago mag-regla (dahil sa hormones natin) at nawawala naman pagka-regla.
Magpatingin sa doktor (surgeon) kung may nakapang bukol. Good luck.

For more tips, LIKE Dr Willie Ong's Health Tips

For your questions on your breast, please see a doctor preferably a surgeon or an OB-gynecologist. Your personal doctor has to examine you completely first (getting a complete medical history) before giving advice or medicines.



 photo signature.png

No comments

Thanks for dropping by my Wonderland! Please share your thoughts below.